|| THE IDEALIST ||
You are creative with a great imagination, living in your own inner world. Open minded and accepting, you strive for harmony in your important relationships. It takes a long time for people to get to know you. You are hesitant to let people get close. But once you care for someone, you do everything you can to help them grow and develop.

-Blogthings-


   


<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30

|| Allen || Andrea || Arvin ||
|| Claire || Don || Ellen ||
|| Ejay || Ghe || Hance ||
|| Jackie || Jacob || Jensen ||
|| Jessa || Joiz || Jolenz ||
|| Kath || Kim || Kuya Kit ||
|| Kuya Marvin || Luis ||
|| Monica || Oel || Siopao ||
|| Pai || ituloy ang Sulong ||




|| visits ||




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed


Layout by:
Monique & Beck

BLOGDRIVE
TEMPLATES


Site Under Construction

Revealed at 10:38 pm...
was I wrong?...  

Saturday, April 01, 2006
goddesses

Wow! April na?!

For months, i thought the xileRO installed in our PC was corrupted. But when i tried to play it just this week, it still works! Hahah! Nakita ko ulit ang mga goddesses ko!

XileRO is just like ragnarok.. well, actually it IS ragnarok, pero libre 'to! I'll show you my characters...

Goddess of Agility



Level: 174
Class: Assassin Cross


Goddess of Dexterity



Level: 158
Class: Sniper


Goddess of Intelligence



Level: 123
Class: High Wizard


Hybrid Goddess



Level: 102
Class: Monk


Goddess of Strength



Level: 64
Class: Whitesmith



Ayan sila... They're arranged based on level (duh!) and date created (first to latest). Dun sa mga hindi nagra-Ragna, kwento ko na lang senyo. Nakaktuwa kasi para silang paperdolls pero gumagalaw at 3D. Hahaha! Actually, hindi sila goddesses, ako lang tumatawag sa kanila ng ganun. There are different "stats": strength, agility, intelligence, vitality, luck and dexterity. Kaya ko sila tinawag na goddesses of <stat> kasi yun ung pinakamataas sa stats nila. Si Hybrid goddess, kaya tinawag na hybrid kasi ang stats niya is a combination of intelligence, strength, at dexterity. San ka!? Matalino na malakas pa! Heheh... Kaso mahirap i-level up kasi puro combo. But that class (monk), for me, is the strongest. Si goddess of strength, pwede rin siyang maging goddess of luck. If you want her to be a fighter, then strength ang kanya. Pero if you want her to be a forger (since a whitesmith creates weapons), luck dapat and dexterity.

That's it. gusto ko lang silang i-display sa blog ko, hahaha!



Revealed at 2:54 pm...
was I wrong?...  

Sunday, April 02, 2006
addict sa dance maniax!

Sunday na! Hindi kami nakapagsimba kanina, waaah!!!

We went to Lola's house. As usual, andun ang buong lahi, hehehe. Tapos nagpunta kaming SM Bacoor. Nagpa-massage sina mami at dadi at kaming magpipinsan, nag-arcade.

Niyaya ko yung ate ko sa dance maniax. Nung una aayaw-ayaw pa. Pero after ng isang round, nawili, hahaha! Nakakahiya daw pero siya na rin mismo yung nag-aya nung mga susunod! Tongue Ayun, nakaabot naman kami ng stage 4, pero 5 stars lang.

Grabe yung 2 lalaki dun! D ko lam kung mgkapatid sila, pero ung sinasayaw nila, ung as in pinakamahirap. Parang saulo na nila ung steps. Tapos nakita naman namin sila ulit, sa dance rev naman. Punung-puno na ung screen ng arrows pero kaya pa rin nilang sundan. Kaya siguro payat sila, eheheh... I should try that some time.

***Hindi ko pa tapos ung analysis for FILIPI2!!! Sad



Revealed at 11:25 pm...
was I wrong?...  

Tuesday, April 04, 2006
gusto mong magka-boyfriend?

It's the third time someone asked me that question Shocked! Mukha ba kong desperadong magka-boyfriend?!?! Aside from that, anong klaseng tanong yan?! Bakit, bibigyan mo b ko?Tongue hahaha!

Inaamin ko i've been single since birth. Pero hindi lang naman ako yung ganun sa mundo ha?! Ate ko ganun din, Tongue. Hindi ko alam yung feeling ng may karelasyon pero para sakin, ine-enjoy ko muna ang independence ko. Though at times naiinggit ako... oops! hahaha! Kasi parang ok din yung may "nag-aalala" sayo(Ay, yuck! Nagdrama ang bruha! Hehehe...). Pero naisip ko rin, ganun din naman yung treatment ng friends sa isa't-isa, mas ok pa nga kasi walang malisya at hindi ganun ka-dramatic. Saka feeling ko hindi ko pa kaya ang kadramahan ng lovelife, nyahahah!

*****

Nanuod kami kahapon ng seminar sa Tereso Lara (not sure about the spelling) na required sa FILIPI2. Sinama ko si Sherry pero hindi na namin tinapos kasi nakaktamad naman. Nawalan pala si Rhitz ng phone sa library! Grabe, hindi na ko magbabalak matulog dun, hehehe...

May nareceive akong letter galing kay Kukai. Hahah! Belated Happy Birthday card??? Kala siguro galit ako. Di noh! Lam ko namang busy ang lahat kasi finals na.Big Smile Thanks Kukai!!!

Kanina nakuha ko na yung course card ko sa ENGLTRI: 4.0!!! hahaha! In fairness, kahit nagkabuhol-buhol ang dila ko, e naka-4 pa ko. Yehey! Tinamad na naman akong mag-CSEMATH kasi pati ung prof namin nahihirapan na rin sa lessonTongue. Kaya mga 20 minutes before matapos yung class, umalis na ko at kumain na lang kami nina Sherry at Ge sa Jollibee. Tapos kinuha yung EAF, tapos uwi na. Nag-cut na naman si Sherry sa ANMATH1 niya. Mag-aaral na lang daw siya... Talaga lang a? JK! Tongue

Grabe ang bilis ng term... Finals na bukas tapos third year na kami?!?!?! cry Waaaah! Yoko pa!

Good Luck samin sana walang 0.0!!!


Revealed at 5:15 pm...
2 stood by my side...  

Wednesday, April 05, 2006
FINALS!

Kelangang mag-aral ngayon!

Actually, planado ko na tong araw na to: After breakfast, ligo tapos print ng course notes tapos aral. Kaso Bad trip si brownout! 8am xa bumisita sa Las Piņas at lumayas pagdating ng 12nn! Nasayang tuloy ung 4 hours ko. Hindi naman ako mkapag-aral kasi wala akong lecture, nasa internet lahat, hehehe...

Natulog ako for 4 hours, ang init! Para akong natulog sa loob ng sauna. Tapos, eto nga, nagprint ng lectures. At nag-aral. Pero nadidistract pa rin. ANg hirap kasi pag nagbabakasyon na yung mga kapatid mo pero ikaw, may pasok pa! Sad

Basta! Kelangang makapasa!!!


Revealed at 8:45 pm...
was I wrong?...  

Saturday, April 08, 2006
The battle is over... and i lost

Nalulungkot ako... Natapos nga ang finals ko pero walang naging successful. Oh well, shit happens! Sa sobrang depress ko, nabigyan ko ng interpretative themesong ang CSEMATH:

Just Once
by James Ingram

I did my best
But i guess my best wasn't good enough
'Coz here we are back where we were before

Matagal akong nag-aral pero parang kulang pa rin 'yun. Kahit anong gawin ko, hindi talaga kita maintindihan kaya lagi na lang akong bumabalik sa una mong lesson.


Seems nothing ever changes
We're back to being strangers
Wondering if we oughta stay
Or head on out the door

Wala pa ring nagbabago. Dayuhan ka pa rin sa utak ko! Napapaisip tuloy ako kung mags-stay ako sa CSE o magshishift sa ICTM...


Just once can't we figure out what we keep doing wrong
Why we never last for very long
What are we doing wrong

Hindi ko talaga maisip kung bakit laging mali ang mga sagot ko. Gusto kong isipin pero hindi ka kayang tagalan ng sikmura ko (anong connect? hahaha!). Ano bang ginawa kong mali?!


Just once can't we find a way to finally make it right
Make the magic last for more than just one night
If we could just get to it
I know we could break through it

Sana makahanap ako ng paraan para tumama yung sagot ko. Para naman makatulog ako ng mahimbing sa mga susunod na gabi. Kung malalaman ko lang, makakapasa ako sa CSE, di ba?

*****

Nabad-trip talaga ako kaya pinasa ko agad yung papel sabay kumaripas ng labas sa room. Baka tanungin pa ko ni Sir kung saan ko pinagkukuha yung mga imbento kong sagot, hehehe... Nalulungkot pa rin ako pero wala namang mangyayari, tapos na yun diba? Kumain kami nina Sherry at Jacob sa Sbarro. Ang konti ng pasta na sinerve sakin, pero don't be deceived! Ang bigat pala sa tiyan, hahaha! Nagkantahan ang mga loka. Naihi ako ng slight sa salawal ko nung binirit ko yung "Voice Within" ni Christina Aguilera, kahit hindi ko naman naabot yung nota.

Hala, eto si Jacob pagbaba ng FX, naiwan yata ung wallet dun. Edi sinamahan ko sa station sa Buendia. Wla dun sa FX! Feeling ko kinuha ng babae na katabi nya kanina at ibabalik niya yun sa DLSU. Ayan, malungkot na rin siya. Ang weird no? Kapag yung kasama mo iba ung mood, hindi mo sasabayan - except na lng pag masaya, edi sabayan mo. Kunwari pag galit siya, ikaw, passive ka, hindi mo sasabayan ng galit. Same thing kanina. Kahit malungkot ako, parang human nature na bigla kong naging "cheery", hahaha! Si Sherry nakipagmeet naman kay Carlo, *ehem ehem*. Siya, masaya naman, hehehe!

~Ang tao puro malas ang nakikita. Hindi ituon ang pansin sa magagandang bagay...~

Pagbaba ko ng bus, bumili ako ng tissue para kay Ate. Sinisipon siya ngayon, awww... Sad pa rin ako kaya bumili na rin ako ng cloud 9 sa mini stop. Naglalakad habang kumakain, nagdadrama hahahah! Masarap ang chocolate lalo na pag malungkot ka. Napapatamis niya ang buhay na puno ng pait (Wahahah! Ang drama!). In fairness, totoo yun! Nabawasan ng konti yung lungkot ko...


Revealed at 1:48 am...
was I wrong?...  

Sunday, April 09, 2006
The purpose of existence

"Destiny is not a matter of chance, but a matter of choice. It is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved..." -Willaim Jennings Bryan

Sabi nila, "your destiny is written but it is up to you if you'll follow it". Pero nasa atin ba talaga yung choice?

Nararamdaman ko kasi, lahat ng ginagawa ko planado na. If ever na may na-alter ako, may mangyayari na magbabalik at magbabalik sa 'kin sa dapat kong kalagyan. Hehehe... Kasi  hindi k opa rin alam kung ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko. Hindi na ko masaya sa course ko cry. I messed up, big time. Feeling ko kasi may maling desicion akong nagawa kaya andito ako ngayon at may pilit na nagpapabalik sa kin sa dapat kong kalagyan. During my finals week, nagkataon pang umalis yung helper namin sa bahay. Syempre nahati yung time ko sa studies at sa chores. Tapos parang ayaw pumasok ng lesson sa utak ko. Kapag naman nasa momentum na ko ng pag-aaral, bigla naman akong uutusan, or basta may iistorbo. Is it all in the mind?

But if i'm not supposed to be in this situation now, and the "force" is  trying to bring me back to my fate, bakit hindi binago dati pa? Bakit ngayon lang? Kasama rin ba to sa plano?

Pakiramdam ko, marami na kong ginawa na wala sa "blueprint" ng buhay ko.Kpag ganun kaya, may mabubuong route para makabalik tayo sa path natin? Pero what if tayo lang talaga gumagawa nun? Tayo lang kaya nag-iisip ng "fate" o "destiny"? Tayo nga ba talaga ang may hawak nun?

Nalilito na ko! Ang dami pang mga tanong na umiikot sa utak ko pero hindi ko na ma-explain. Hehehe...

Pero para sa 'kin, i'd rather follow the "blueprint". Ewan ko pero naniniwala ako dun. I believe that  each and every one of us has a purpose in this world. Pwedeng pangit yung role mo, pero ok lang, kung sa ikabubuti naman ng marami diba (ay! Preacher ka?!?!) ? Siguro takot lang akong magtake ng risk. Wah! Ano ba?! Pano un? Pano kugn tayo nga lang ang may hawak? Edi walang mangyayari sa kin?! Oo nga no! Hahaha!

Sunday. 09 April 2006. 4:15pm:
It's official: I'll make my own destiny! Muwahahahah!!!

~yan ang epekto ng bagsakang finals... *sweatdrop*~


Revealed at 5:30 pm...
was I wrong?...  

Monday, April 10, 2006
rock ya body

Yan ang title ng sasayawin naming mga facilitators para sa summer camp. Ang hirap palang sumayaw, hahaha!

Naalala ko tuloy ung conversation:

Beck: Ano ba yan! Parang napagkaitan ako ng talento. Hindi na nga marunong kumanta, wala pang alam! (conversation after ng finals kaya ganyan ang topic)
Sherry (or was that Jacob?): Hindi naman. Baka magaling kang sumayaw!

~Aba oo nga naman! Baka nga dun ang career path ko: dancing! Hahaha! Dumating ang araw ng rehearsal. Sabi ko sa sarili ko: Ayan, baka mapatunayan mong dancing nga ang elemen mo. But no-o-o-o.... Hindi ko pala kaya. i'll drop my dreams of being a dancer, hehehe... ~

*****

Ok, tama na ang drama! Dancing kami ever dun sa sports complex. In fairness, masaya naman. Eto nga't nagpose pa ang mga loko:



(Me, Francis & Marvin = Charlie's Angels)
in-edit ko lang sa photoshop para 'stigin! Hehehe...
Kaso muka pa ring scrap. Oh well, pwede na yan!


After ng practice, kumain kami nina Maus, AK at Sherry sa Red Ribbon. Tas dumerecho sa CEC ofice. Nag-research 'bout sa memory devices (para sa plus points sa COMORGA, which i desperately need) at sinend kay Andoy. Sabi niya mali daw ung ginawa ko, pero nung tinanong ko siya sa YM kung ano dapat kong gawin, bigla namang nag-sign out! Labo! Hehehe... Naku! Dpat isama niya name ko sa project na yun, kung hindi.... edi, edi.....wala akong plus points!

Tapos tinulungan ko si Allen na gawin yung bulletin for summer camp. Ang comedy talaga ng taong yun! hahaha! Ayun, may na-accomplish naman kami. Tumulong din sina Ejay at JM. Tas binigyan ako ni Kat ng mp3s, yung mga favorite ko:

  • Hot Stuff by Donna Summer
  • I'm Coming Out by Diana Ross
  • I Love the Night Life by Alicia Bridges
  • The Best Of my Love by The Emotions
  • Shake Your Groove Thing by Peaches and Herb
  • at marami pang iba...
Thank you Kat for the mp3s! masaya rin palang tumambay dun. Ang kulit ng mga tao. Big Smile


Revealed at 11:11 pm...
was I wrong?...  

Thursday, April 13, 2006
Teambuilding

There are 3 things i've learned this day:
  1. you have to be yourself no matter who you are with
  2. not everyone who's dear to you is meant to be yours forever. Sometimes you have to let go & accept the fact that some things are not meant to be.
  3. we are gifted with so many blessings but we only focus on the misfortunes in our lives
3pm na kami naglunch dahil (tsktsktsk... 1pm pla sir ha?!) sa mga na-late. Dun kami sa ATC kumain. Tas habang hinihintay yung iba matapos, nag-picture-picture kami nina Sherry, Marvin at Andrew sa kung saan-saan. May pic pa nga kami na para kaming model ng "topshop", hahaha! Kaso hindi pa nasesend sakin ni Marvin. Ayun tapos dun kami nag-team building sa bahay ni sir Paul sa Alabang. Thank you nga pala kay Mr. Cobarrubias para sa aming transportation! hehehe... Pati na rin kay Marvin at syempre kay sir Paul.

Masaya naman. Um.. may mumu yata dun kasi may nagpakita kina AK at Shey at may nagpaparinig sakin... Shocked Scary no? Siguro masyado na kaming magulo, kaya sinasabihan lang kami. Anyway, nagulat lang ako sa mga first impression sakin. Ang common sa lahat: mabait. Talaga? Hehehe... Tapos eto masaya: Mukhang frosh (freshman). Hahaha! Compliment yun no!? Haha! Feeling!

May na-realize din ako sa sarili ko. Alam ko masama ako. Aware ako dun. SIguro dahil ayokong magmukang vulnerable. Feeling ko kasi, pag nilabas ko yung totoong ako, yun nga vulnerable. Actually lumabas na kaninang madaling-araw. I try to avoid conversations about family as much as possible. Basta! Hindi ko napigilan, i burst into tears. Grabe... I felt so weak, but the grief was finally gone.

At about 3am, nagswimming pa kami. Saglit lang, sinipon kasi agad ako. Sina Sherry at AK, takot na takot kaya sabay-sabay kami naligo, hahah! I have to admit i was scared too, pero hindi kasing-grabe ng kay Sherry, hahahah! Ayun tapos natulog ng mga isang oras.

We had breakfast at McDonald's. Dapat sasabay ako with sir Paul & his family, since papunta rin silang Cavite. Kaso sabi ni Mommy dagdagan ko pa raw yung damit ko. Mag-isa tuloy akong umuwi. Nauna na kasi si AK na dapat kasabay ko in case na hindi ako sasabay kina sir. Late na kasi ung announcement ni Mommy e. Ang lungkot ko tuloy pauwi... Hahaha! Nagdrama nanaman!

Sa Imus ako ngayon natulog, at lola's house. Holy week....


Revealed at 11:34 pm...
was I wrong?...  

Sunday, April 16, 2006
holy week

We spent 4 days in imus. Right after i went home from the teambuilding nung april 13, sinundo na kami ng relatives. Nagbisita iglesia kami. Ito yung mga pinuntahan namin:
  1. Good Shepherd Parish
  2. Our Lady of Fatima Parish
  3. Bamboo Organ
  4. yung sa Macapagal? hehehe... forgot the name
  5. dito kami nag-station. Forgot the name... hehehe...
  6. Pink Sisters in Tagaytay
  7. St. Lourdes (?)
Ayan. Kaya lang mejo wala ako sa mood kasi nga kulang sa tulog.

April 14, nag-movie marathon lng kami:
  • Blade of the Rose  (kala ko astigin to. Comedy pala, hahaha! Pero ok naman)
  • Nanny McPhee
  • Cheaper by the Dozen
  • Mine, Yours and Ours (parang cheaper by the dozen pero 18 naman sila)
First time kong nakasama sa salubong. Wala lang share ko lang. Big Smile Bukas course card distribution!!! Shocked


Revealed at 12:07 am...
was I wrong?...  

Previous Page Next Page
ENTRIES-->