Entry: Pahabol pa rin Thursday, March 23, 2006



Sobrang inaantok na ko. Pero I still have to submit my report to sir Paul. Si Bock kasi, nag-DoTA pa, e!

ALam mo ba, sa bawat araw na lang na nabubuhay ako, lagi kong iniisip ang course ko. Lagi kasing may nanggugulo sa desisyon ko. Kanina kasi CSEMATH, nakikinig talaga ako, syempre, CSE nga ung napili ko. It's ok, i could still follow. Pero kalaunan, nanlumo ako dun sa mga formula! Shocked

At eto pa. Nagkuwento pa si sir Ilao tungkol sa mga thesis ng mga CSE students. Yung robot na kamay, yung movements nun... kelangan daw talaga ang CSEMATH dun. Ewan ko! Wala na kong naalala. Parang bigla akong tinulak sa isang malalim sa balon at nawalan ng interes at malay sa pinagsasabi niya. Ang inaalala ko na lang e kung pano ako mabubuhay. Sad

Gaano kasakit pag nalaman mo kung sino ang mahal ng mahal mo?.... Para kang nahulog mula sa ika-20 palapag pero buhay ka pa rin...

Ano sa tingin nyo diyan? Tongue Ako joke! Hahahah! nkakatawa kaya! Isipin mo, nahulog ka mula 20th floor  tas buhay ka pa?! Ahahah!!! Hahahah! haha... ehehe... ehem. Yan kasi yung sinend ni **** kay **. Hehehe... baka magalit sila sakin, yoko na nga. Pero advice lang dun sa guy. Wag ka masyadong pa-affect. Kasi naman crush lang naman niya yun, e, hindi "mahal". It's not like sila na or nililigawan siya nun(though siguro winiwish nung girl, hahaha! joke lang!). Saka, hay naku! GIve time for yourself! Jusko! Wag pakikipagrelasyon ang atupagin mo. saka... saka... titigil na ko...

Kumain kami ni AK sa Tropical Hut tas hinatid ko siya sa lab. Tas umuwi na rin ako kasi nakaka-OP. Gumagawa na sila ng circuit tas ako, wla pa sa NETANAL.cry


Pumunta kami ni Ate Amy sa Makro ng mga 5:30pm para lang bumuli ng Block&White  whitening papaya soap para kay ate. Tas nilakad namin pauwi mula  dun hanggang RFC. Sa nilau-lau ng nilakad namin, hindi pa rin bumaba ang timbang ko. So sad. Nakauwi na kami mga 7:30pm. Kasi tumingin-tingin pa kami ng damit sa Uniwide, pero wala namang nabili.

Pag-uwi namin, badtrip na naman si Mami. hahah! As usual. Hindi kumpleto ang gabi ko pag walang sermon from Mami. Hay! Yun lang, tahimik na ulit sa bahay. Natanggal na nga pala si "Chicken Little" sa American Idol. Sige good night Sol!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments