Entry: frustrated singer Friday, March 24, 2006



Yes, I am a frustrated singer, hahaha! Dito sa bahay ako lang ang maingay na nagpapaka-diva. Naiirita na nga yung mga kapatid ko, e. 'Pag inaabot ko yung high notes, yung ate ko sasabihin lagi: Bakit mo kasi pinipilit? Kung di mo talaga abot, wag mo nang i-try. Hahah! Kasi yung style ng pagkanta ng ate ko mahinhin, parang MYMP. Tongue Si Bock at least mejo naaapreciate niya pag abot ko pa, pero pag di na napapamura na lang, Hahahahaha!!!

Sa mga friends ko kasi sa school, ako lang yung hindi biniyayaan ng singing talent. cry Hay! Kaya pag nagkayayaan mag-videoke, nahihiya ako kaya nanonood na lang ako, hehehe... Nakkatuwa kasi ang gagaling nila. Nanliliit ako, di tulad sa bahay ako pinakamagaling, hahahahah! joke!Tongue

Narinig ko yung kanta ni Patti LaBelle nalimutan ko yung title. SOBRA! Sasabog utak ko sa taas! Hahaha! Pero nakakatuwa at nakakadepress at the same time... Hay!

ENGLTRI, nagspeech lang yung mga taga ibang section. Crush ko ung isa dun, kaso di ko lam name niya... Sad. Tas pinanood lang namin yung speech namin. Tawa pala ko ng tawa. Sa FILIPI2 di ako pumasok kasi reporting lang ng thesis ng group4. Pumunta na kmi ulit sa DO, wala naman kaming offense or warning. Buti na lang! Kumain kami nina Barry at Jacob sa Goldilocks. Sarap talaga ng Brazo de Mercedes! Yum! Tas bumalik ako mag-isa sa school para sa COMORGA. Nalate ako tas may test pala! In fairness, nakasagot ako! JPRIZAL, reporting lng. 2 Test ko sa Monday!!! Waaaah!!!

Tapos nagpicture-taking sa CEC office para sa ID namin. Pumunta kami ni Sherry at Jacob sa Robinson's para bumili ng walkie talkie para sa project nina Sherry. Pero syempre, nagkantahan kami! Wink

Yun lang!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments