|
Nagsimba muna kami, syempre. 4th week (???) of Lent daw ngayon. Sabi ng pari, mali daw yung mga sinasabi ng matatanda na dapat malungkot pag Lent, dapat daw masaya kasi daw sine-celebrate daw ung love of God for us. Yehey! Lent ngayon! After that, we went to Imus to fetch lola and our cousins. Sama namin sila sa fiesta. Grabe, wala na kong ginawa ngayong araw na 'to kundi kumain! Nag-door to door kami, hahaha! The best tlaga yung leche flan ni tita, sarap!!! Pag-uwi namin, hindi ko ineexpect na masisira yung araw namin. Naiwan ni Bock na nakabukas yung hose! Ibig sabihin 10 hours nang umaandar yung tank! Kaya pagbukas namin ng gripo, walang tubig. Sinabon na naman ni Mami si Bock, pati tuloy ako damay. Todo sermon to the highest level si mami. Mula sa... "Bakit kasi nagmamadali ka sa trabaho mo?! Yan na nga lang ginagawa nyo sa bahay, e! Pag naman sa TV o sa computer, kulang pa ang 2 oras!"... Napunta sa... "Kaya hindi ko kayang ipagkatiwala sa inyo tong bahay, e! Wala kayong sense of responsibility!!!" Tapos sa... "Sa pag-aaral niyo pa nga lang nakikita na! Wla naman kayong ibang ginagawa, dapat hindi na kayo babagsak!!!" Hanggang sa... "Hindi na tayo kukuha ng katulong! Para naman matuto kayo sa bahay! Tignan niyo yung mga gamit niyo! Ang kalat!!!" Hay nako! Marami pa yan! Hindi ko na lang maalala, lalo na yung mga brutal, hahahah! Kasi pag pinakinggan kong mabuti at pinasak sa utak ko, e baka ikamatay ko na. Hahahah! Natatawa at naaawa na nga lang ako kay Bock kasi siya yung pinagdiinan ng galit ni Mami. Kawawa kasi kagagaling pa lang niya sa break-up. E kung magsermon pa naman yung nanay namin, yung tipong wala ka nang karapatang mabuhay. Buti na lang tahimik na ulit dito sa bahay, hehehe... Malambing na ulit, kasi magpapasama sa airport. Susunduin namin si Dadi na galing sa "Isle of Man". Baka abutan pa ko ni Mader! Magaaral pa ko sa JPRIZAL!!! Wish me luck!!! |
| Leave a Comment: |